Sunday, May 24, 2009

A Letter written for Me by mE

escapades of the Woman at 8:11 PM


[Now Listening to: Glamorous Sky (English Version)]
[by: Hyde]
[mood: bored]


Holding my pen, I played it with my fingers. Thinking of what to write next, my demented brain brought up the most interesting idea...


"What if I write a letter for myself?"


You got that write! Err... I mean right! Haha!
And because I'm so bored to think, I've decided to post the letter in a mix of Tagalog and English or what language that suits my mood right now. Hahaha!

*cough cough*

So, here it goes!





Dear mE,

Hello.

How are you? Oh wait, do I really have to ask that? I know that you're fine and still struggling to the flowing substance called life...

Maraming nangyari sa iyo nitong mga nakaraang taon and up to now, I'm very proud that you're still clinging on.

You always say that whenever you make some changes in your hair, there's a reason as to why you want to do it..

Sa buwan pa lang na ito, maraming kaganapan ang nangyari sa iyo. Nandiyan ang another issue ng parents mo for their separation, people leaving, and right now, sinusubukan mong mag-adjust sa loob ng apartment niyo na kung saan ang kapatid mo, at ang mama mo ay kasalukuyang nakatira kasama mo (together with your 2 tito, 2 maids, and your 2 pinsans na kung saan iyong isa ay natutulog sa umaga due to her shift in the cca).

Mainit ba sa bago mong kwarto mo ngayon? I know, your privacy was once again, shaved off by your mother. Hindi na ikaw ang gumagamit ng kama mo kundi sila na ng kapatid mo at ikaw ay kasama ng mga kasambahay mo sa kabilang kwarto. Sa malaking kwarto na kahit naman malaki ay parang dinaig pa ang impiyerno sa init.

Kahit mahirap, pilitin na lang tiisin. Kapag hindi na kaya, tiisin pa rin. In a way, naging maganda rin ang naidulot ng pagtira nila diyan, despite sa ingay ng apartment dahil sa kapatid mong pasaway. Kasi may mga gamit na kayo ngayon na wala dati! In short, nagmukha na nga siyang tirahan ng mga tao at hindi ng mga nagpapanggap lang na tao.

I just heard recently that something happened to you. I know that it hurts a lot. Pero dapat matuto kang iwan ang mga bagay na nangyari na. I mean come on! Huwag kang selfish. Hindi lang ikaw ang nasasaktan kapag umiiyak ka. Don't think of those people who already left. Think of those who stayed beside you. After all, sila naman talaga ang importante dahil hindi ka nila iniwan nung mga panahon wala kang mapagsabihan ng nararamdaman... You have to let go of them for you to be free na rin. I know you can do that. Ikaw pa. Huwag kang mag-alala dahil hindi ka na naman nag-iisa sa paglalakad mo. Andiyan na siya. Ang taong nangakong hindi ka iiwan. Bukod doon, andiyan ang mga kaibigan mong nasa tabi mo mula pa nung umpisa ng gulo sa buhay mo.

Oh, how was the vacation? Masaya akong malaman na sobrang nag-enjoy kasama ang napakahalagang tao sa buhay mo. Walang araw na hindi ka nakangiti at tumatawa. And I'm very much happy that you enjoyed every single moment with that person. A glimpse of the future of the both of you. I know, it will come true. Just continue to believe in it, eventually, that day will come where you can be very happy. Living with your other half...

Have you even noticed the changes in you? Unti-unti, your opening up your world... And I'm very thankful that you met your other half. Your future. Mas naging malinaw ang nakikita mong future ngayon kumpara noon. Dati, wala kang pakialam. Daig mo pa ang zombie sa sobrang monotonous every day, pero ngayon, you look forward every day with a smile on your face. Naks! Iba talaga ang nagagawa kapag tinamaan 'no?

Continue to be happy with your future, dear. And be yourself. At last, you have given the chance to be feel this extreme happiness you never thought you'll be having in your life... Patuloy mong alagaan at pasiyahin ang taong mahal mo. Dahil alam kong iyon din ang kaligayahan mo. To love and be loved is the most extreme happiness of all.

Alam ko, unti-unti ka na rin nakaka-recover sa lahat-lahat. Isa pa, malapit na ang pasukan. You should be happy. Dahil magkaka-pera ka na ulit! At makikita mo na siya.


You've changed a lot... and I'm very happy in that changes...

'Til next letter ulit. I've ran out of what to say to you.


P.S. How's your writing going by the way? Sana makapag-sulat ka na ulit. Whatever that's troubling you, kung meron man, I hope you overcome it.


Until then,
Self.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Wingless Flight Template by Ipietoon Blogger Template | Gift Idea