Tuesday, June 01, 2010

My OJT days

escapades of the Woman at 2:14 PM
[Now Listening to: Kare Uta]
[by: the GazettE]
[mood: resting...]


Yo! It's been a while since I updated this blog of mine. Really, masyado talaga akong tamad when it comes to things like this. Dati naman, hindi ako ganito. Lalo na nung high school. Basta may maganda o nakakainis na pangyayari sa akin, nilalagay ko rito sa blog kong ito. Ngayon, wala na. Kung kelan naman may internet na kami sa bahay, tsaka naman ako tinamad mag-update ng blog ko.

Anyways...


I just had my OJT (on-the-job training) as my pre-requisite for my incoming fourth year stuff. At first, me and my friends were having difficulties last year as to where we will apply for our OJT. Medyo na-turn off kami sa isang company dahil sa almost kalahati yata ng Mass Communication population ay puro doon nag-apply. Kaya medyo nawalan kami ng gana. Baka makita pa namin iyong mga kinaiinisan namin. Ay day! Super impiyerno to the max na naman iyon!

*ehem*


Tapos naalala ni Manga (my lover's codename) na bakit hindi na lang kami mag-apply sa company ng professor namin sa Drama. Pumayag naman si Ate (anak namin ni Manga.. >///<)

And thus doon nabuo ang plano sa pagpunta sa company ni Sir Drama.

Ayun, matapos namin magpunta sa lugar na iyon ng D.Tuazon, matapos ang brief interview ng mga heads...

Natanggap rin kami.

We started working there last April 8. And I never thought that I would be really enjoying my OJT there kahit na daig pa ang init sa kuta ni Pareng Luci at pugon sa bakery.



The Atmosphere:

The atmosphere were pretty good. Friendly ang lahat ng tao. The Heads and especially our Creative Director which is our Drama Professor. Maliit nga ang space ngunit masaya pa rin. May mga oras nga lang noon ay grabe sa init dahil sa panahong galit na galit si Pareng Araw. Maraming mga students na doon piniling mag-OJT. Mostly, galing sa university kung saan ako nag-aaral. Pero kahit na ganoon. Ewan ko ba, may mga ilan talagang tao na darating sa buhay mo para pasakitin ang lintik mong ulo.

Napunta kaming tatlo sa Events Department. At nung pumasok kami doon, iyon na yata ang masasabi kong hulog ng langit para sa aming tatlo. Who would've known that we'll be given the chance to handle a very grandiose event? Yes, you heard it right! Kaming tatlo kasi ang unang OJTs na napunta under Events Department at nung time na iyon ay may inaasikaso silang pinakamalaking event para sa taong ito. Ano iyon? Pansamantala, sekreto muna. Siyempre, bawal sabihin dahil mawawala na ang surprise kapag nalaman ninyo. Since doon na kami magtatrabaho simula ngayon, baka tanggalin kami kapag sinabi ko. Or worse, makasuhan pa. *shivers*

Anyways, ayun nga. Kami man ang maghahandle non, siyempre, iyong Head namin sa Events ang pinakamain head. Pero since kami ang nauna, sabi ni Sir C.D, kami na raw magha-handle non forever. Siyempre, shock ang lola mo. Unexpected kasi iyon. XD

So ayun.

Meetings and stuff:

Sa laki ng event namin na iyon, siyempre, kasama na roon ang may mga meeting meeting echos para sa mga venues, sponsors, beneficiaries and stuff. Hindi ko rin inakala na makakapunta ako sa isang meeting at mararanasan ko kung ano ang madalas na nangyayari sa mga ganoong klase ng meeting. I am really thankful for I was given the chance to attend and see how the 'masters' work their way to get what they aim to have. And all in all, marami akong natutunan...


Stress and the shits:

Ang pinakakinalaban namin, STRESS. Susme, lalo na iyong magkakasunod na linggo na wala kaming ginawa kung hindi mag-isip ng concept at mag-brainstorm. Ilang beses kayang natuyot ang utak ko? Hindi ko alam. Basta ang natandaan ko lang, halos hindi na ako natutulog at nagpapahinga dahil minsan, paghiga ko ng kama, pagpikit ko, parang ilang minuto lang ang itutulog ko. Mamaya, gigising na naman ako at maghahanda sa pagpasok ko. Nakakaloka. Pero all in all, masaya. Ito na rin yata ang trabaho na lagi akong may sleepover. XD

Actually, hindi na ako makapaghintay na makapag-trabaho ulit. Mas iyon na yata ang tinitingnan ko kaysa sa pagpasok sa school. In a way kasi, pakiramdam ko ay malapit ko nang makamit iyong ilan sa mga plano ko sa buhay. Bukod pa diyan, marami akong experience na makukuha sa pagtatrabaho ko sa field na ito.

Pero, ang balak ko, mga ilang taon lang ako magtatrabaho sa company na ito. Mas gusto ko talaga i-pursue ang matagal ko nang pangarap sa sarili ko. At iyon ay ang maging isang writer. Kaya next year, kailangan ko na talagang pumasa sa screening test na iyon ng isang publishing company para makaattend na ako ng seminar nilang iyon! RAWR!

(this picture is taken by Cali Ynoviel, do not steal)



*the avatar/photo was taken by Cali Ynoviel, DO NOT STEAL








2 comments:

Anonymous said...

lol sa wakas nag-update ka rin. puro agiw na blog mo ah. musta naman? tapos na ba ojt? what na ginagawa mo ngayon?

teka yun pa rin ba cp # mo? miss ya dude!

the Woman said...

Lol. Oo nga eh. XD Tadtad na ng agiw. Antamad ko naman kasi magpost eh. XD
Yep, I'm done with my OJT pero continuous na ang work ko sa company na iyon. Ginagawa ko ngayon? Rest na muna. Sa June ulit kami mag-uumpisa ng work. XD

Yep, ayun pa rin ang number ko. super miss you too dude!!!

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Wingless Flight Template by Ipietoon Blogger Template | Gift Idea