Wednesday, January 06, 2010

Happy New Year and More Happiness To Come!

escapades of the Woman at 10:06 PM

[Now Listening to: As Ever/Still ]
[by: A.N.JELL ]
[mood: doing my best to smile]

HAPPY NEW YEAR!!!!

Woohoo!!!At last! 2010 has finally come!

Oh my, now would you look at that? After all the things that happened for the last years, I survived! And I hope you guys did too! Hahahaha! XD

And kahit late na at least bumati naman ako, hindi ba?




It's been a long time since I updated. Eh kasi wala akong nagawang avatar kaya tinatamad akong mag-post eh. (Sabay ganon?) I actually tried to make this avatar that I had right now. Hmm. Wala lang. Napaghahalatang ginawa lang out of boredomness. XD


Anyways, so here I am. Welcoming the year with this post of mine. Para naman kahit paano maging updated naman ang blog kong ito. :D At sana, hindi siya maging hiatus again because of my school schedules. Gosh. Pwede ko bang sabihin na ang hirap maging third year Mass Comm student? Why?

Many reasons. But I'll cite few of them. This is my opinion only, okay? I don't state for the whole community. So spare me. XD


1. More and more activities - dahil sa third year ka na, siyempre marami ka nang gagawin na mga activities in relation to the course you took. Sa lahat naman eh. Di ba? As for me, in a way I'm grateful to these activities kasi unti-unti na akong natuto sa mga dapat gawin at dapat ginagawa sa field. Kumbaga, I'm starting to apply what I've learned in those long hours of salivating lectures and drooling tones of those old age professors. I was just exaggerating, I know. Kaya lang, sa ganitong siste, minsan, kahit gustuhin mo mang gandahan ang presentation mo, dahil sa sunud-sunod ang mga pinapagawa ng mga professors na akala mo eh hindi nagdaan sa pagkabata at sa paggimik at pagbabarkada, daig pa nila ang mga wrestlers na nag-tag team match kung magpabigay ng kaliwa't-kanang assignments at kung anu-anong activities, hindi mo minsan talaga maiiwasan na mag-cram, mag-rush at worst, i-mema ang gawa mo. In short, total crappy mema work.

Pero kahit sabihin mong crappy ang work, di ba, gagastos ka pa rin? dito papasok ang susunod...



2. Less and less of the term "your-own" budget and greens in the house - At dahil sa third year ka na, lahat ay mag-uumpisang tumaas. Gastusin mo sa school, hours na ilalagi mo sa lugar ng kung saan-saan for the activities, pag-uwi mo ng gabi, dami ng sleepovers at kung anu-ano pa. Pero isa lang ang hindi tumataas kahit na ba third year ka na.

Ang baon mo.

Pati nga ang presyon ng mga magulang mo tumataas kapag nalalamang may babayaran ka na naman sa school eh. Hindi lang iyon, lagi ka pang umaalis kahit wala kang pasok sa ibang mga araw. Eh ano bang magagawa natin? Nag-aaral tayo eh? Nag-aaral ako eh? At kailangan nating mag-participate sa mga activities kung saan dapat tayong sumali kung hindi ay wala tayong straight line na makukuha sa mga cards natin, di ba?

Siyempre, sa pagtaas ng presyon, kasama na rin ang pagtaas ng paghingi mo ng pera kapag aalis ka sa mga araw na walang pasok.

Bilang college student, naranasan ko na rin ang ilang beses sabihan ng kung anu-ano ng magulang ko kapag sinabi kong aalis ako para may gawin for school. And up to now, mukhang hindi pa rin siya sanay na kailangan ko talagang umalis. Lagi niyang sinasabi na wala na kaming pera at kung anu-ano pang mga pagdududa ang sasabihin niya. Siyempre, ano bang magagawa ko? Eh di keep quiet na lang. Baka kung ano pang mangyari kapag binara mo siya na, "Palit tayo, ikaw ang mag-aral." Eh di tuluyan ko nang hindi narating ang pangarap ko? XD

Naiintindihan ko naman ang sintir ng mga magulang tungkol sa kahirapan ng walang pera. I admit, kami ngayon ay walang-wala nang pera. At hindi umuusbong ang negosyo. Hanggang ngayon nga ay iniisip ako kung paano ako mag-su-survive sa semester na ito. Kung writer lang ako na nakakapag-publish na ng mga gawa ko at kahit paano ay kumikita na, eh di solve na sana ang mga worries ko? Hindi na sila mangungunsumi sa paghingi mo ng pera kasi hindi ka hihingi sa kanila. At pwede ka nang magpunta sa mga lugar na gusto mo dahil may sarili ka na namang pera. Grabe, ang sarap talagang mangarap ano?

Kaya nga iyon na lang ang gawin mo habang nakikinig ka sa sinasabi ng magulang mo na: Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa mapahiya ako sa mga tao ko.


3. Dream on, dream on... - habang naka-upo ka sa loob ng isang klase at nagtuturo ang professor mo, bigla mong makikita na lalapitan ka ng professor mo at kakamayan ka, bibigyan ka ng papel na nakabilot at may tali ng ribbon. Tapos doon mo lang mapapansin na naka-toga ka pala! Abot tainga ngiti mo! Nagtatalon ka sa tuwa. Dahil sa wakas, you, finally, have graduated!!!

Sabay, bigla mong narinig ang paulit-ulit na tawag sa'yo ng prof mo na nasa tabi mo na kulang na lang ay maligo ka sa laway niya habang tinatawag ka niya para ipaliwanag ang sinasabi niya. Huh? Doon mo lang na-realize... Hala! You daydreamed!

Hindi ko maiwasan ang huwag maging ganito minsan, well hindi kasama iyong may laway effect ah? Tindi non. XD Hindi lang daydream actually, but napansin ko na ilan sa mga third years, isa na ako doon, ay nag-uumpisa nang ma-bored sa mga profs na walang ginawa kundi mag-lecture ng mag-lecture ng minsan ay mga obvious naman na itinuturo.

Don't get me wrong. Hindi po ako bitter. Kaya lang, hindi ba't parang iikot lang naman ang iikot ang topic kapag ganon? If you know already the discussed topic, pakiramdam ko'y pwede na tayong mag-jump sa susunod.

Pero kunsabagay, isa rin kasi ako sa mga hindi nakikinig sa klase. XD

I find it hard to focus my attention on the topics or lectures that involves so much talking and I have no idea of what are they talking about. Depende na rin kung interesado ako sa topic na idi-discuss or what. Napansin ko na nga rin na hindi na ako masyadong nag-te-take down ng notes at basta na lang nakikinig. Actually, wala nga akong separate fillers/notebooks for my subjects this sem. Isang maliit na notebook lang na may kung anu-ano ang isinusulat ko kapag magtuturo na ang mga profs. Pero kudos naman sa mga profs na nakakakuha ng attention ko. They never fail to catch my attention when they teach. And maybe because they do know what they're teaching us. Especially, if what they're teaching us, is their passion to begin with.

I wonder if their parents had this kind of passion too when they're raising this great people to adulthood? Just got curious. XD

4. Eh kasi...magulang. - Now, let's talk about parents na kahit kailan ata ay hindi matatanggap na, this IS the generation. Na kahit anong paliwanag mo ay mukhang hindi ka talaga nila makukuha ang punto mo o kaya naman hindi ka pa rin titigilan sa sermon nila at kung anu-ano pa. If you guys don't have this kind of parents, then you're lucky. To those who don't, we're still lucky too. Why? Kasi natututo tayong ipaglaban kung ano ang gusto nating ipakita sa kanila. That we can stand on our own two litte growing feet. And we're reaching that stage that's called, Young Adulthood

As for me, titingnan ko na lang sa bright side ang lahat tungkol sa kanila. Kahit na ba hindi ko na alam ang dapat kong gawin para maipakita lang sa kanila na naiintindihan ko naman sila, intindihin pa rin. Ang gulo no? Ganyan talaga. Kahit ako, hanggang ngayon naguguluhan eh. Naiipit pa rin at nahihirapan, pero iniisip ata nila na hindi ako nahihirapan. Na sila lang talaga lahat ang gumagawa ng kung anu-ano para makapag-ano ng ano. Ano iyon? Kayo na bahalang mag-decipher.

I agree, ang hirap talagang magpalaki ng magulang. Iyong no matter how hard you explain, no effect pa rin. O di ba nakakaloka?! Bakit ko siya isinali sa reasons ko? Eh kasi blog ko ito at isa ito sa mga reasons ko. Nahihirapan ako kasi minsan, habang nasa school, hindi ko alam kung paano ako magkakaroon ng pera para hindi na ma-high blood sa akin ng Mama ko kapag humihingi ako ng pera na ang iniisip niya ay ipinanggagastos ko lang sa wala. Eh ganon talaga eh. Eh di hayaan siyang mag-isip ng ganon. Nakakapagod din naman kasi ang paulit-ulit na magpaliwanag sa taong alam mong hindi naman nakikinig talaga sa'yo. Di ba?


Pero kahit na magkaganon, dapat pa ring harapin ang bagong taon ng may ngiti sa aking mga labi. Mahirap talaga ang buhay. Unfair at kung anu-ano pa. But that what makes it interesting, right? And as long as there are those who are making you happy and very much alive and loving you with all of their hearts, aren't you smile for their efforts and sweetness? Kaya nga dapat lagi din tayong naka-smile for them to uplift their spirits.

At sa bagong taon na ito, gusto kong punan ang buong taon ng puro mga masasayang ngiti kalakip na doon ang mga masasayang alaala na pwede kong itago at alagaan sa aking puso. ^_^

HAPPY NEW YEAR!!!!

2 comments:

Anonymous said...

hooyyyy, do you even read your comments here. haha.

pasaway pa rin pala till now mama mo, yaan mo na. di na siya magbabago. you can't teach old dogs new tricks.

just enjoy your college life, dahil after that mas mahirap siya. oo kumikita ka na, may sweldo na, pero diyan na magsisimula ang lahat. dahil talagang kaw na gagastos, wala ng baon. no extra money. hirap pa naman hanap work ngayon.

kahit ako nag-aalala na kasi di pa rin ako nagtatrabaho. my parents aren't young anymore, at since only child ako, ako lang aasahan nila pag nag-retire na sila. kaya natataranta talaga ako minsan.

back then i used to do rackets. kahit anong pwedeng pagkakitaan sa school. nagbebenta ako ng kung ano-ano. including mp3 at manga burning. try mo kaya magbusiness din sa school?

goodluck cess! miss ya! *glomp* kaya mo yan!

Anonymous said...

haha. kala ko never mo na approve mga comments dito. XD

musta dude?

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Wingless Flight Template by Ipietoon Blogger Template | Gift Idea