Thursday, April 24, 2008

Fed Up? Yeah... I think I am...

escapades of the Woman at 1:35 AM


[Listening to: Zakurogata no Yuutsu by The GazettE]
[Mood: pissed...]




Hmm... anong oras na ba? It's 2:15 in the morning and yet I'm still awake. Ilang oras pa bago mag-6 a.m. I'm thinking of what to do. Nang bigla kong maalala ang usapan namin ng friend ko sa YM.



She asked me what's wrong, because she read my stat na tungkol sa unknown emotions na naman.. And I said the usual word whenever someone asks me what's wrong... "Wala naman..."





And because of that I began to wonder, kaya nakikita ninyo ngayon na may post na ulit ang blog na ito na wala namang kwenta pero mabuti na ang may pinaglalabasan kaysa naman maburyong ang isipan ko at gawing pagkain ng mga bacteria na tinatawag na subconscious at dumagdag na naman sa organ sa katawan na tinatawag na "puso" at "utak". Kungsabagay, dumagdag na nga siya. No need to say it.


Ano bang mga ginawa ko nitong March and Early April? Hmm... Marami. But let's not elaborate on that. Umpisahan natin ang magulong laro ng pangakong pinako at ang bakasyong matrabaho...

Story 1: Let's make a deal: Pangakong aking tutuparin, in your dreams!!
Hay... Ang sarap pakinggan ng mga taong pinagkakatiwalaan mo, na mangangako ng kaligayahan mo. Na ibibigay ang lahat ng gusto mo para lang sumaya. Pero, sa likod ng mga letseng pangako na yan. Di mo alam, di pala nila kayang ibigay ang mga pangakong iyon sa'yo. Ginagawa ka lang tanga... Pinapaasa ka pa!! Isipin mo na lang na para kang nabuntis ng ilang beses... tapos nilaglag din ang dinadala mo ng ilang beses.. Huwaw!! Sakit sa pakiramdam di ba?!
Bakit ba ang galing mangako ng tao? Mangangako pero hindi naman kayang tuparin!! Mga sinungaling!! Mang-aasa!!! Bakit nga ba ako naaasar sa mga taong nangangako na lagi namang napapako?? Ah, oo nga pala, kasi siyempre, naranasan ko na iyon. Maraming beses na.. Pero marami akong pangakong di malilimutan... Lalo na ang 2 sa mga iyon...
The bakasyon issue:

If you're already fed up with what's going on around you, or if you couldn't move on because of some things that's been bugging you? What would you do? You'll take a vacation right?
Masyado nang puno ang salop ko, at nangangailangan ako ng mahabang bakasyon. Kinausap ko "siya" na magbabakasyon ako sa lugar na malayo, na sa lugar na di niya ako mamamanmanan at iyong pwede akong maglabas ng mga bagay na matagal ko nang dapat inilabas. Na kasama ang iisang kaibigan na siyang nakatira doon sa lugar na aking pupuntahan. In short, doon ako magbabakasyon, sa bahay ng aking kaibigan. Pumayag "siya" noon bago siya umalis papuntang Hong Kong. Isang matinong kasunduan. Na plano palang huwag tuparin.
Humingi pa "siya" ng isang kondisyon, kausapin ko daw si "hari" at kung papayagan ako ni "hari" ay papayag na rin siya. Dahil gustung-gusto kong mag-bakasyon, pumayag ako sa kagustuhan ni "siya". Kinagabihan no'n, tinext ko si "hari" patungkol sa plano ko.
Madaling araw na ng tumawag si "hari". At umiyak ako dahil hindi siya pumayag. Pero ng ipinaliwanag ko sa kanya ang rason ko (hindi lahat ay sinabi ko... ayokong malaman niya lahat), pumayag naman siya. Siyempre, natuwa ako. Pero panandaliang kaligayahan lang pala iyon... Iyon pala, ay may kondisyon pa si "siya" bukod doon. Kailangan kong isama si "36-yr-old guy"
ANAK NG TETENG!!! Akala ko nagkalinawan na kami dati! Na papayag siyang magbakasyon ako ng ako lang!!! Pero isa palang malaking katangahan ang ginawa ko! Akala ko maiintindihan niya ang rason kung bakit ako humihingi ng gano'n!!! Alam kong malayo ang lugar na iyon. Pero hindi naman na ako bata para maging tanga sa bawat lugar na pupuntahan ko!! Hindi naman ako gaya niya na pupunta ng Hong Kong!!! Sa Pinas pa rin ang lugar na pupuntahan ko!!!
Ang resulta: To be continued...
bakit to be continued? Dahil hanggang ngayon, on negotiation pa rin ako kay "siya". Di pa rin ako sumusuko. Dahil kapag sumuko ako at dumating ang June nang hindi pa ako nakakapaglabas ng nararamdaman ko, at nakakapagbakasyon sa malayo at ng hindi niya nakikita... Maapektuhan na naman ang grades ko nito! At alam kong malaki ang posibilidad na magkaganon nga iyon....
Story 2: Job Description: Bakasyon
Saan ka nakakita ng tao na nasa bakasyon na pinilit, at kailangan mong magbantay ng bata? Andito o!
Akala ko ay makakapag-enjoy ako sa pagbabakasyon ko sa lugar ni "hari". Pero siyempre, hanggang akala lang iyon. Hindi lang naman ako ang mag-isang nagbakasyon doon eh. Kasama ko ang "prinsipe".
Hindi naman ako nagrereklamo, nakuha ko ang kahit paano ay katahimikan na kinailangan ko. Kaso, hindi sa lahat ng oras. Dahil nga nagtatrabaho ako. Ano ang trabaho ko? Ang bantayan ang mahal ni "siya" at ni "hari", ang "prinsipe".
Nawalan ako ng ganang lumabas sa bahay ni "hari". Bakit? Wala akong kakilala at binabantayan ko si "prinsipe". Ang swerte niyang bata! Walang ginawa doon ang "prinsipe" kundi makipaglaro sa kanyang mga pinsan. Ako? Wala naman akong ginagawa maliban sa tumunganga sa laptop ko sa pansamantalang kwarto namin habang hinihintay ang paglipas ng araw...
Don't get me wrong, di nga ako nag-enjoy... Mas lalo ring nadagdagan ang hinanakit ko sa buhay... Bakit? Laging wala ang "hari" naiiwan kami sa kanyang mga "magulang". At ang awa na siyang nararamdaman ko sa kanya.
Alam kong hindi ko dapat maramdaman iyon. Pero tao lang din naman ako at mahal ko si "hari". Nasasaktan ako sa kahirapang nakikita ko noong nandon pa kami sa lugar nila. Nilagnat pa nga siya, at hindi ko sinabi iyon kay "siya". Bakit? Hindi ko alam. Siguro dahil ayoko.
Sa totoo lang, minsan, gusto kong parusahan ang sarili ko. Pakiramdam ko ay kasalanan ko ang lahat. Kung kaya ko lang magpakamatay, ginawa ko na. Pero isa rin akong malaking duwag kaya hindi ko magawa.
Wala na akong pagpipilian kundi ang sumang-ayon na magpart-ways na si "siya" at "hari". Pero alam mo. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap ang paghihiwalay nila... Andito pa rin ang sakit sa puso ko. Hindi ko na nga alam ang gagawin ko. Ang biglaang pagbabago ni "siya" at ni "hari", ang pagdurusa ni "hari" at kung anu-ano pa.
Minsan, gusto ko nang magsalita kay "siya". Pero alam ko namang hindi niya ako pakikinggan, ano lang ba niya ako, di ba? Kaso, hindi ko na maatim ang pinaggagagawa niya sa sarili niya.
Ngayon biyernes yata ay aalis na naman siya... Maiiwan na naman kami ni "prinsipe". Pupunta siyang Puerto Galera ulit. Mabuti pa siya, may pa-nightlife-nightlife nang nalalaman... Not that I want to have a nightlife too... Gusto ko lang talagang magbakasyon... Gusto kong lumayo muna... Pero tangina!!!! Bakit hindi niya makita iyon?!?!?!! Bakit hindi niya makita ang pagdurusa ko???? Ano pa ba ang gusto niya??? Maglaslas ako ng pulso para payagan lang ako???? Kung pwede lang talaga, matagal ko nang ginawa!!! LETSE!!!

1 comments:

Anonymous said...

Huwat?!!! Akala ko mag-isa mo lang nagbakasyon dati. Kala ko nga kahit papaano makaka-pag-relax ka dun. Yun pala e walang pinag-kaiba pag nasa bahay ka. Eto pa, dahil kasama mo si prinsipe dun, libreng libre si "siya" gumala. Kasi di na niya kayo iintindihin. Andun naman kayo both sa malayo, at andyan ka naman magbabantay sa precious prince niya. Hays. Ano ba yan. Nababanas na talaga ako kay "siya".


Parang gusto ko sumigaw ng "HOLD IT!" at "OBJECTION!!!"

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Wingless Flight Template by Ipietoon Blogger Template | Gift Idea