Tuesday, June 17, 2008

ROMANCE:ONESHOT: Toblerone

escapades of the Woman at 7:58 PM



TOBLERONE


Tahimik na pumasok si Rei sa kanilang classroom na siyang ikinagulat ng kakambal kuno niyang si Chiharu pati na rin nga kanilang mga classmates. Kilala kasi silang dalawa bilang deadly duo pagdating sa sakit ng ulo at kakulitan. Kaya tinanong siya nito nang umupo siya sa upuan malapit sa tabi nito.

"Anong nangyari sa'yo at parang ipinama sa iyo ni Atlas ang pagpasan sa mundo?" ani Chiharu.

Iling lang ang isinagot niya.

"May umaway ba sa'yo? Nadukutan ka ba? Naiwan mo ang cellphone mo sa bahay niyo?" patuloy pa rin ang pag-iling niya sa mga sinasabi nito.

"Teka, 'wag mong sabihing na-rape ka?!" suminghap ito ng hinataw niya ang kaibigan ng makapal na psychology book nila. "Aray! Grabe ka mare. Bago ako maka-graduate, durog na mga buto ko sa'yo!" hinimas-himas nito ang nasaktang braso. "So, sino nang-rape sa'yo? Si Marky the Menace ba?" sa sinabi nitong iyon nakatikim ulit ito ng palo galing sa ever-trusted psychology book niya. "Aray, mare! Sobra ka na ha!"

Tiningnan lang niya ito, kasabay nito ang dahan-dahang pamamasa ng mga mata niya.

"M-mare, hoy! Biro lang 'yon ano ka ba. 'Wag ka nang umiyak. Hindi na menace si Marky, isa na siyang super god....dess..." nagsimula nang mag-unahan ang mga luha niya sa kanyang mukha. "O, siya siya... Hindi na siya goddess.. god na siya.. god. Tumigil ka lang sa pag-iyak, Rei! Kinakabahan ako sa nangyayari sa iyo!"

"Hala ka chiharu, anong ginawa mo diyan sa kakambal mo?" tanong ng isa nilang classmate. Dahil kilala sila bilang deadly duo, kambal na ang tingin ng mga ito sa kanila. dahil bukod sa sila ang partners-in-crime sa mga kalokohan sa classroom, madalas sinasabi ng mga kaklase nila na magkahawig daw sila sa hitsura.
"W-wala akong ginawa ano! 'Wag niyo nga akong takutin!!" lumingon si Chiharu sa kanya. "Mare, ano ba talaga ang nangyayari sa'yo?"

"...haru.." mahinang usal ni Rei.

"Ano?"

Itinuro niya ang kanang pisngi niya, ngayon lang yata nito napansin na bahagyang namamaga ang parteng iyon ng kanyang mukha.

"Masakit.... ang ngipin mo?" kunot-noong tanong nito. Tumango siya. "Bakit? Ano bang ginawa mo't sumakit iyang nanahimik mong ngipin?"

"Kinain niya kasi ang toblerone ko." ani isang pamilyar na boses.

"Toblerone mo, Marky the Menace?" wika ng kanyang kaibigan. Binigyan ni Marky ng masamang tingin si Chiharu ngunit hindi nito pinansin ang ginawa ng una. "Nakangteteng, bakit kasi may dala kang toblerone?! Alam mo namang may pagkamatakaw iyang kakambal ko eh!"

"Malay ko bang kakainin niya iyon ng 'di ko namamalayan? Daig pa nga niya si The Flash kung maubos iyong toblerone ko eh!"

"Susme! Kaya naman pala nanakit iyang ngipin mo dahil sa tindi ng katakawan mo eh! Tingnan mo ngayon, kamukha mo na si Porky the Pig. Oink! Oink!"

Akmang hahampasin niya ulit ang kaibigan ng nakaramdam siya ulit ng matinding pananakit sa kanyang ngipin.

"Naku! Dapat ng matingnan ni Dra. Army yan! Marky, dalhin mo na si Rei sa clinic."

"Bakit ako?" kunot-noong tanong nito kay Chiharu.

"Hindi ba't ikaw ang nagdala ng toblerone? Kasalanan mo yan! Do your responsibility! Panagutan mo siya sa ginawa mong kaha--" hinila ni Rei ang buhok nito. "Aray naman Rei! Ito na nga't tinutulungan ka na eh! O bilis na, Marky. Kiss the bride... este bring her to the clinic na. Go!"

"Tsk. Fine!" mayamaya ay dahan-dahan siyang inalalayan habang naglalakad sila papuntang clinic.

"You know... if you want my toblerone, you can just tell me. Hindi naman kita pagdadamutan... It was really intended for you actually..."

Namula siya sa sinabi nito.

*********
Yay! Dahil walang magawa, ginawa ko itong kwento na ito. Actually, wala lang siya.... walang matinong plot at napaka.... wala lang. XD Pero this story.... kung matatawag ngang story ito, ay dedicated para sa aking friend na si Rei ^.^

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Wingless Flight Template by Ipietoon Blogger Template | Gift Idea