Tuesday, July 01, 2008

ROMANCE: ONESHOT: Hey Mr. Business Suit

escapades of the Woman at 3:46 AM




Hey, Mr. Business Suit


Nakatunganga lang ako sa aking upuan habang nagtuturo ang aking prof sa Political Science. Bored na bored kasi ako at inaantok na rin dahil sa sobrang pagpupuyat ko kagabi para matapos lang ang aking assignment sa Literature. Pasaway kasing 30 keywords with vocabulary sa "Summer Solstice" na yan.




"Ms. Ynoviel?"

Napabalikwas ako ng bigla akong tinawag ni prof. "Ma'am?"

"Give me one type of goverment and explain," wika nito. Shootness! Mukhang nahalata yata nito na hindi ako nakikinig sa kanya kanina pa. Badtrip!

"Err..."

"You've been dozing off in my subject, Ms. Ynoviel. Akala mo ba papasa ka na ng ganyan?!"

"Eh, kasi Ma'am..." sasagutin ko na sana si Ma'am ng biglang may kumatok sa pintuan. Hinintay naming buksan nito ang pinto pero patuloy lang ito sa pagkatok.

"Why can't he open the door? Wala ba siyang mga kamay?" pagtataray na naman nito. Pagkatapos ay binuksan nito ang pintuan at lumabas. Kawawa naman ang taong nasa labas. Malalasap nito ang apoy ni Ma'am. Sa sobrang katarayan n'on, kahit mga lalaki, ilag sa kanya.

Kaya laking gulat ko ng biglang pumasok si Ma'am na nakangiti! At may dala itong bouquet of flowers! May manliligaw na si Ma'am?! Aba! Big news iyon!

Hinarap ako ni Ma'am, "Sige, Ms. Ynoviel, I'll forgive you for now." Nang uupo na siya'y nagsalitang muli. "Anong ginagawa mo?"

"Ma'am?" uupo na po siyempre, nasabi ko sa isip ko.

"May naghahanap sa'yo sa labas. Go ahead, mukhang importante ang sasabihin nya sa'yo," paliwanag ni Ma'am sa akin.

Nagtaka ako, sino kaya iyon? Imposibleng si Mama iyon dahil nasa Hong Kong siya at si Papa naman ay inaasikaso ang kanyang negosyo sa Roxas.

Kahit naguguluhan pa rin ako ay sinimulan kong maglakad palabas ng pinto nang muli akong tinawag ng aking prof.

"Tell that person, 'Thank you for the flowers'." nakangiting sabi nito sa akin.

Piping napatango lang ako. Bakit parang sobrang aliw na aliw yata si Ma'am sa akin? Kilala ko ba ang nagbigay ng flowers? This day is way too unusual. Ito ba ang epekto ng walang tulog?

Nang lumabas ako ng room namin, wala naman akong nadatnan ni anino ni Spiderman doon. 'Di kaya pinag-ti-trip-an lang ako ni Ma'am?

Pabalik na sana ako ng room ng biglang mag-vibrate ang cellphone ko, tanda ng may nagtext sa akin. Binasa ko iyon.

"R U THERE?"

Galing iyon sa kaibigan kong si Eri. Nagreply ako agad.

"O2 MARE, ANYTHING WRONG?"

Hindi na ito nagreply. Naisip ko na baka wala na itong load o kaya naman ay busy na. Ganoon naman iyon kapag matagal bago magreply. Masyado pa namang hectic ang schedule ng isang iyon. Parang presidente ng Pilipinas.

"Finally, you came out." wika ng isang baritonong boses galing sa bandang lilkuran ko.

Nilingon ko ang nagsalita. There is a guy leaning on the railings. He is wearing... a business suit? Is he a member of the school's Board of Trustees? If so, bakit naman ito nandito? Teka lang...

"Ako ba ang kausap mo?" tanong ko sa kanya.

"Who else? Have you seen anyone lurking around here aside from you and me?" sagot niya na para bang napakatangang tanong iyon.

Napamaang ako. Aba't ang kapal ng lalaking ito!

"Do I know you?" balik-tanong ko sa kanya. Akala nya siya lang marunong mag-English? Hah! Kahit mas matanda pa siya sa akin, hindi ko siya sasantuhin! Ayaw na ayaw ko pa naman ang ginagawa akong engot!

Nagkibit-balikat lang ito. Maya-maya ay may kinuha ito sa tabi. He is now holding on to what I assume as hundreds of bond paper that was compiled and placed neatly in a folder. Pagkatapos ay naglakad ito papunta sa aking direksiyon.

As he began to approach me, mas lalo kong nabigyang-pansin ang hitsura niya. He has a set of thick eyebrows and long eyelashes that matches his fair complexion. Kitang-kita ang itim niyang mga pilik mata pati na rin ang perfectly-shaped nose niya. Add to that is his almond-shaped dark brown eyes that reminded me of a certain brand of dark chocolate.

Hindi kaila sa hitsura niya na mayroon siyang dugong-Intsik. Still, iba pa rin ang tingin ko sa kanya. 'Di kaya nagparetoke ito kay Calayan? Napaka-gwapo kasi ng lalaking nasa harap ko para maging totoo.

No, everything looks original. Natural na siguro ang ka-gwapuhan niya.

"Satisfied? Why not take a picture, it'll last longer?" tanong nito. Di ko napansin na nasa harap ko na pala siya! Huling-huli tuloy ang pag-aasess ko sa kanya. Naman!

Nagkibit-balikat na lang siya kasabay ng paglagay sa aking mga kamay ng makapal na folder na hawak niya. Anong kala niya sa akin? Personal secretary niya?

"Aanhin ko ito?" maang kong tanong sa kanya. Bakit ba puro kibit-balikat lang ang ginagawa nito? Ni hindi pa nga niya nasasagot ang tanong ko kanina!

"Read it. Burn it. Do whatever you want," ani nito.

Akmang tatalikod na siya ng tinawag kong muli ang lalaki. "Hoy peste! E-este mama!"

Nang lumingon siya sa akin ay naramdaman kong biglang nagbago ang mood niya. Kung serious ito kanina, mas lalong dead serious na ito. Aba! Hindi niya ako matatakot ng tingin niyang parang kakain ng tao! Ako lang ang may karapatang mangain sa aming dalawa!

"What?" nakataas-kilay nitong tanong. Halatang nainis ko ito ng kaunti.

Nilapitan ko siya at naisipang hampasin ng makapal na folder, kaso iba ang ginawa ko. Dinuro ko ang matipuno niyang dibdib. "Ikaw, kanina ka pa ha! Tinatanong ka ng maayos, di ka sumasagot ng mationo! And to think that you're older than me, mister!"

"Anong mis—"

"Secondly," pag-eeksena ko. "Anong gagawin ko sa makapal na folder na ito? Pwede ba, 'di mo ako personal secretary para tambakan mo ako ng makapal na folder na ito na ang hula ko ay puro mga documents mo lang ang laman. Hindi rin ako charity institution para bigyan ng files na walang silbi sa'yo para gawin kong scratch papers sa Math!"

Pagkagulat ang sumunod na nakita ko sa mukha niya. "Teka, hindi 'yan—"

"Thirdly," Teka, may gan'on bang term? "Hindi pa tapos ang paglilitanya ko sa'yo kaya makinig ka lang diyan! Sino ka ba sa akala mo? Kahit isa ka pa sa mga Board of Trustees dito sa school, anak ng may-ari ng SM o nabiyudong si Sergio SantibaƱez sa Marimar, 'di mo tauhan ang lahat ng makikita mong tao rito!

" May reliance dito, professors, college deans, at security guards. At higit sa lahat, may mga estudyante rin dito na gaya ko! Naiintindihan mo ba 'yon? Estudyante ako at hindi personal secretary mo! Kaya bumalik ka na sa kompanyang pinanggalingan mo at hanapin mo ro'n si Armida Siguion-Reyna!" Pagkatapos ay ihinampas ko sa kanya ang folder na ibinigay niya sa akin.
Nang marinig ko siyang napasinghap, bigla akong inungot ng konsensiya sa ginawa kong pagpalo sa kanya. At bakit nasali si Armida Siguion-Reyna sa mga sinabi ko? Aning na nga yata ako.

"A-ano, mister, ok ka lang ba? 'Kaw naman kasi eh. Ayaw mo akong kausapin ng matino. Ano masakit sa'yo?" Nang di pa rin ito nagsasalita at biglang na lang napayuko, mas lalo akong nag-alala. "Mister, mister! Buhay ka pa ba? Humihinga ka pa ba? Hoy!"

Pakiramdam ko ay nakarinig ako ng church bells ng marinig ko ang matunog na halakhak niya. Lahat yata ng galit ko sa sangkatauhan ay naglaho at parang gusto kong humingi ng world peace.

"I can't believe I'm actually laughing after I got smacked by a very thick folder." Tumayo siya ng tuwid at humarap sa akin. His face seems to have changed. Parang umaliwalas ang kanyang mukha. "You really are one interesting person. Tama nga ang sinabi niya sa akin."
Ha? Niya? Sinong niya ang tinutukoy ng mister na ito?

"And I actually laughed on something really stupid." Ngumiti siya. "By the way, natanggap ba ng prof mo ang flowers?"

"Ikaw ang nagbigay n'on?" Tumango siya. "Thank you raw sabi ni Ma'am."

"No worries."

"Teka, e 'di ibig sabihin, kilala mo ako!"

"Sort of." Tanging sagot nito.

"Anong sort of? Bakit 'di kita kilala?!" bigla akong napaisip. "Siguro, stalker kita!"

"Would a stalker dress like this?"

Tiningnan ko ang damit niya. Oo nga. May point siya. May stalker bang nakasuot ng business suit? Napaka-weird naman yatang stalker iyon.

"I really must be going now." wika niya habang nakatingin sa kanyang relong-pambisig. "It was nice meeting you. Take care of that folder." pagkatapos ay umalis na siya.

Nakakaasar ang lalaking iyon! Nakakapikon! Sa sobrang pagka-asar ko, itinext ko kay Eri ang nangyari.

NKA2ASAR ANG LA2KING ION! AKALA MO KUNG CNO! ASAR TLGA!! BDING XA ERI, BDING!

Sa 'di kalayuan ay nakarinig ako ng message tone matapos kong i-send ang text ko kay Eri. Naisip kong coincidence lang ang nangyari kaya --

Biglang nag-ring ang aking cellphone. Numero ni Eri iyon. Ilang ring pa bago ko iyon sinagot. "Hello?"

"Who says I'm gay?" anang baritonong boses sa kabilang linya.

"Ha?" napatingin akong muli sa aking cellphone. Number talaga ni Eri ang nasa screen. Bigla akong kinabahan. "Sino 'to?! Bakit nasa iyo ang phone ng kaibigan ko?"

Narinig kong nag-echo ang mga sinabi ko. Nang lumingon ako sa pinanggalingan ng echo, nakita ko si Mr. Business Suit na may hawak na cellphone at nakatingin sa akin. Nagsimula siyang maglakad matapos niyang patayin ang cellphone niya at ilagay sa kanyang bulsa. Pagtingin ko sa aking cellphone ay namatay rin ang tawag ni Eri.

Hala! Anong nangyayari?! Ibig sabihin, ito ang may hawak ng cellphone ni Eri?! Alam ko kung sino tao ang maaaring humiram ng cellphone niya! Iyon ay ang...

"Ngayon, ipapakita ko sa'yo that I'm not a member of the federation." madilim ang mukha niyang nakaharap sa akin.

"Te-teka lang --"

Hindi ko na naituloy ang nais kong sabihin ng bigla niyang hinapit ang aking baywang at biglang siniilan ng halik... hala po! Hinalikan niya ako!!

"Now that I've proved that to you," wika niya. "Baka pwede na akong umalis." may bakas ng amusement sa mga mata nito.

"Ah..." shucks! Wala akong masabi! Hinalikan niya ako!

"Late na talaga ako for my meeting. At idinaan ko lang naman ang folder na iyan dahil sabi ni Eri, matagal mo nang gustong mabasa 'yan. I wonder why. Is it because tayong dalawa ang bida diyan sa book na sinulat ng kapatid ko? Or is it because of me?" Marahil ay kitang-kita niya ang pamumula ng mga pisngi ko.

Ang hayup! Speechless ako! Wala akong masabi! Gusto kong magtago sa Mindanao sa sobrang hiya!

Narinig kong tumunog ang cellphone niya sa kanyang bulsa. "That must be my personal secretary at the company." Ngumiti siya sa akin na mukhang hindi na niya nakaya pang itago. "In case you've forgotten who I am, magpapakilala na ako para maalala mo na ako. I'm Eri's older brother, Jake N. Iltengo. Nice meeting you again.

Mischief and amusement were written all over his handsome face. "Oh, don't worry about me being your first kiss and how you did it as your first time. Pwede nating i-practice iyon some other time. Bye." nakaplaster ang ngiti niya habang naglalakad siya paalis sa harap ko.

Pakiramdam ko ay parang naging gulaman sa lambot ang mga tuhod ko kaya umupo ako. Hindi ako makapaniwalang hinalikan niya ako. Ang madalas naming pag-usapan ni Eri, na ang tawag ko ay Jaken dahil naaalala ko ang alaga ni Sesshoumaru sa anime na 'Inuyasha' sa pangalan niya na siyang i-mina-matchmake niya sa akin...ang first kiss ko.

Sinampal ko ang sarili ko. "Ano ka ba Cali. Panaginip lang iyon. Natutulog ka lang. Hindi totoo ang mga nangyari. Walang halikang naganap. Wala. Wala..."

Naramdaman kong nag-vibrate muli ang cellphone ko, may tumatawag. Hindi naka-rehistro ang numero sa aking cellphone pero sinagot ko pa rin iyon.

"Hello, mare, si Eri 'to. Itong bagong number ni kuya ang gamit ko, na-block kasi iyong dating sim niya. Nga pala, nagkita na ba kayo ni kuya? Pinapunta ko kasi diyan sa school mo para matapos mo nang basahin ang nobela kong iyon. At siyempre para magkakilala na rin kayo ng maayos. Gamit nga pala niya ang cellphone ko ngayon, mare. Nakalimutan ko nga palang sabihin na 'wag mong aasaring bading iyon kapag nagkita kayo. Hindi magdadalawang-isip na halikan ka n'on. Adik iyon eh."

Narinig kong may matandang lalaki na nagsalita sa kabilang linya. "O sige, mare. Text na lang kita mamaya. May pupuntahan kami ni Papa eh. 'Wag kang masyadong manahimik diyan. Baka isipin kong nagkita na kayo ni kuya at nahalikan ka niya ng 'di oras o nasa kumbento ka na at nagpapaka-madre. On second thought, I like the first option more. Sige mare, mwah!" at ibinaba na nito ang linya.

Sa lahat ng sinabi sa akin ni Eri, wala akong naintindihan maliban sa isa. Iyon ay hinalikan ako ni "Jaken" Iltengco. Nanlaki ang mga mata ko. Siya nga talaga ang first kiss ko!!

******
Itong kwento ay hindi spontaneous. Matagal ko na siyang nagawa... Ngayon ko lang naisipang ilagay... Kung magiging short story lang siya o lalagyan ko ng chapters... Iyon ay akin pang pag-iisipan...

Sino sila? Hm... Secret... *laugh*

*edited*

Whew! Thanks sa isang friend na nag-korek sa akin, bawal nga pala iyon.. hehehe XD

*edited ulit*

To my proofreader: Thanks a lot ^^ eto, tinatamad na akong palitan iyong sa sim eh... next time na lang. :)) Thanks ulit ^^

2 comments:

Lexie said...

I want some next scene please! :D :D :D Cali! :D

the Woman said...

Ack! Sorry, ngayon ko lang nabasa to XD Umm.. unfortunately, ala na itong karugtong eh. Churi >///<

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Wingless Flight Template by Ipietoon Blogger Template | Gift Idea